LV: Fast forward to the 90s up to the present, ano sa tingin niyo ang mga dahilan kung bakit hindi pa nagre-resurge ulit ang Philippine Cinema? Anu-ano po ba 'yung mga problema?

CH: Malaking factor ang piracy. Bukod doon, mabigat na problema ng mga producers 'yung malalaking taxes. Basically kasi, ang iniisip lang ng mga producers ay kumita. Problema rin ang cable dahil masyadong accessible.

PW: Problema pa rin po ba ang pagiging conservative at censorship sa Pilipinas?

CH: Sa tingin ko, oo. May ganoon pa rin. Kaya hindi tayo nagma-mature, parang urong-sulong. Minsan bawal 'to, hindi puwede 'to. Minsan naman, biglang sunud-sunod ang mga bold films tapos biglang repressed na naman. Walang consistency. Depende sa kung sino ang nakaupo sa board. Para sa akin, okay lang naman kahit sex film as long as you don't insult your audience at hindi siya racist or sexist.

PW: Sir, nakikita niyo rin bang isang factor 'yung pagiging profit-oriented ng mga producers sa pag-decline ng quality ng mga pelikula natin ngayon?

CH: Well siguro, kasi siyempre 'pag mababa ang production value mas matipid. Although may mga naka-survive diyan, gaya ng mga pito-pito ng Regal. May mga films na ginawa sina Lav Diaz at Jeffrey Jeturian, na sa tingin ko ay mas may substance kaysa sa mga kasabay noong time na 'yun. Maganda 'yung films nila kahit na very low ang budget-maganda ang mga kuwento at hindi rin naman masama ang production value.

LV: Speaking of our young directors ngayon, sa tingin po ba ninyo, may danger na ma-commercialize na rin sila? For example, sina Erik Matti at Quark Henares na nagsimula na ring gumawa ng mga "commercial" films.

CH: Well… Erik Matti, he's goal is to try to make a commercially well-made film and I think that he can deliver. Siguro, kailangan lang silang bigyan ng mga serious projects… mga serious scripts. Pero siyempre, producers pa rin ang magdi-dictate niyan.

LV: So "over-commercialism" po talaga ang problema?

CH: Oo. Yun kasi talaga ang main purpose-to make money. Pero hindi ka naman nakakasiguro kung anong pelikula ang talagang kikita. Meron ngang mga maliliit na foreign film na kumikita rito kahit hindi kilala 'yung mga artista.

LV: Handa na nga po ba ang mga Pilipinong manonood sa mga mas sopistikadong pelikula, tulad ng mga tinatawag na "art films?"

CH: Iba kasi talaga ang Filipino audience. Halimbawa, yung "Batang West Side." Kaunti lamang ang nakapanood ditto dahil limang oras. Nakapunta ako last year sa Czech Republic kung saan pinalabas 'yung pelikula. Nagulat ako kasi sa mga tao doon, parang ritual ang panonood ng pelikula, they discuss. Tinanggap nila 'yung gaya ng "Batang West Side," at nagustuhan nila. For them, it's a masterpiece.

LV: Kung ikukumpara natin 'yung mga magagandang pelikula natin dito sa Pilipinas sa ibang bansa, may laban ba tayo?

CH: Sa tingin ko naman meron. Ang malaking problema rin kasi natin ay 'yung concept ng mga pelikulang ginagawa. Lagi nilang sinasabi kung bakit hindi tayo makagawa ng tulad ng mga pelikula ni Zang Yimou, ng Y Tu Mama Tambien, ng Amorres Perros. Pero minsan naman 'pag may mag-a-attempt, sasabihin ginaya lang, tulad ng "Munting Tinig.
Sa tingin ko, nag-iiba na ang direksyon ng international cinema. Mukhang nahuhuli na tayo, napag-iiwanan na. Lagi kasi tayong plot-oriented, masyadong masalimoot 'yung mga kuwento. May mga pelikula kang mapapanood na, parang, hindi na pala kailangang i-explain lahat, in detail, 'yung mga situation.
Ang sinusunod pa rin kasi nating formula ay 'yung sa Hollywood. Ganun pa rin tayo. Minsan, magpipilit pang maglagay ng mga special effects. Kung hindi rin naman kayang maglagay ng magagandang special effects, 'wag mo nang gawin, 'di ba? Mag-concentrate ka na lang sa paggawa ng simpleng pelikula. Halimbawa, mga Iranian films, wala naman silang mga special effects pero ang lakas ng dating ng mga kuwento.

LV: Ano po sa tingin ninyo ang mga dapat gawin para maibangon muli ang Philippine Cinema?

CH: Mahirap sagutin 'yan. Siguro, bagong pagpapatakbo ng mga institusyong pang-industriya. Maganda 'yung may incentive na, supposedly, may tax rebate. Gagawa ka ng pelikula, i-encourage yung mga producer to come up with a good film at 'pag nakakuha ka ng "A" rating, 100% tax free. Sana lang ma-implement.

This site was created by the Ishmael Bernal group as a final requirement for their Film 102 class under Mr. G. Dormiendo.